Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagpapalawig sa pagbibigay ng insentibo para sa tourism enterprises sa loob ng 10 taon.
Ito ay ang Republic Act 11262 na pirmado ng Pangulo noong April 10.
Sa ilalim ng batas, ang incentive schemes sa ilalim ng Tourism Act of 2009 (R.A. 9593) ay magiging epektibo hanggang December 31, 2029, na isasalang sa review ng Joint Congressional Oversight Committee.
Ang komite ay binubuo ng chairpersons ng Senate at House Tourism Committee, mga pinuno ng Ways and Means Committee ng dalawang kapulungan, House Appropriations Committee Chairperson, Senate Finance Committee Chairperson at tatlong dagdag na miyembro mula sa Kamara at Senado.
Sa ilalim ng R.A. 9593, inaatasan ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) sa pagbibigay ng insentibo sa tourism enterprises sa loob ng 10 taon upang lumago ang investments para sa sustainable tourism developments.
Ang mga insentibo ay kinabibilangan ng income tax holidays, gross income taxation (5%), 100% exemption sa lahat ng taxes at customs duties sa importation ng capital equipment, exemption sa transportation at spare parts mula sa tariffs at duties, maging sa employment ng foreign nationals.