Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11219 na nagpapalawig sa telecommunications franchise ng Iglesia ni Cristo (INC) sa susunod na 25 taon.
Batay sa nasabing batas, pinapayagan ang INC na magtayo, magtatag, mag-install, panatilihin, iparenta, bumili, i-operate at magpatuloy sa kanilang pribadong telecommunications o electronic communications services sa buong Pilipinas at sa iba pang bansa.
Nakapaloob rin rito na pwedeng ma-revoke ang franchise kung ito ay mabibigo na mag-operate ng tuloy-tuloy sa loob ng dalawang taon.
Maliban sa INC, nilagdaan din ng Pangulo ang RA 11204 na nagpapalawig sa franchise ng Ermita Electronics Incorporated o G. Telecoms sa loob rin ng 25 taon.
Facebook Comments