
Ganap nang batas ang pagpapalawig ng termino ng mga opisyal ng Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ito ay matapos na lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act 12232.
Ngayong araw, ipinadala na ng Palasyo sa Senado ang kopya ng batas na pirmado ni PBBM.
Sa ilalim nito, magiging apat na taon na ang termino ng BSKE officials mula sa kasalukuyang tatlong taon.
Habang itinakda sa unang Lunes ng November 2026 ang Barangay at SK Elections sa halip na sa unang araw ng Disyembre ngayong taon.
Hindi naman pinahihintulutang lumagpas sa tatlong magkakasunod na termino ang barangay officials habang isang term lang para sa SK officials.
Inaatasan din ang Commission on Elections na ilatag ang rules and regulations kaugnay sa pagpapatupad ng bagong batas.









