Batas na nagpapalawig sa voter registration nilagdaan na ni Pangulong Duterte

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11591 o An act fixing the last day of registration of voters for the 2022 national and local elections.

Sa nasabing batas, ang huling araw ng pagpapatala ay hanggang sa October 30 sa halip na September 30, 2021 makaraan itong palawigin ng COMELEC base narin sa panukalang pinagtibay ng kapwa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Una nang nanawagan ang Palasyo sa mga botante na samantalahin ang nasabing voter registration extension.


Magparehistro na at huwag nang hintayin pa ang deadline.

Facebook Comments