Batas na nagpapataw ng mabigat na parusa sa pagpapakalat ng fake news, nilagdaan na ni P-Duterte

*Manila, Philippines – Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magpapataw ng mas mabigat na parusa para sa pagkakalat ng maling mga balita o ‘fake news’.*
*Nilagdaan ng pangulo ang Republic Act 10951 na a-amyenda sa revised penal code na 87 nang hindi nababago.*
*Mula sa P200 hanggang P1,000, ngayon ay nasa P40,000 hanggang P200,000 na ang multa sa mapatutunayang lalabag dito.*
*Ang kasong ‘treason’ naman o ang pagtataksil sa republika ay papatawan ng panghabambuhay na pagkakakulong at multang hindi bababa sa P4 million.*
*Pagmumultahin rin ng P40,000 hanggang P1.2million na dating P200 hanggang P6,000 ang multa sa mga mapatutunayang guilty sa libel.*

Facebook Comments