BATAS PANGKALIKASAN | DENR, lumikha ng national task force na tutulong sa pagpapatupad ng mga environmental laws

Manila, Philippines – Lumikha si Environment Secretary Roy Cimatu ng isang national task force na tutulong sa Mines and Geosciences Bureau sa pagpapatupad ng mga patakaran at regulasyon sa pagmimina at iba pang environmental laws.

Ito ay bunsod sa pinaigting na kampanya laban sa mga illegal small-scale mining activities sa buong bansa at paghabol sa mga illegal importers, retailers at distributors ng mga explosives at cyanide na ginagamit sa small-scale mining operations.

Una nang ipinangako ng kalihim na pabilisin ang proseso ng aplikasyon ng small scale miners para sa minahang bayan at siniguro na walang mining activities na papayagan sa labas ng itinalagang lugar na tinukoy ng DENR.


Tiniyak din ng kalihim na pabilisin ang proseso ng aplikasyon ng small scale miners para sa minahang bayan at siniguro na walang mining activities na papayagan sa labas ng itinalagang lugar na tinukoy ng DENR.

Para makapag-operate ng Minahang Bayan, kailangan i-organisa ng mga small-scale miners ang kanilang sarili at patunayan na mayroon silang kakayahan at pinansyal na mapagkukunan upang makasunod sa pamantayan at requirements na itinakda ng DENR para makapagsagawa ng mining operations.

Sa ngayon, may 65 pending applications sa MGB para sa Minahang Bayan sa Cordillera Administrative Region lamang kung saan laganap ang illegal mining operations.

Base sa Mines and Geosciences Bureau, wala pang area na ideneklarang Minahang Bayan sa lugar, gayunman ilang applications na ang inindorso sa kagawaran.

Facebook Comments