Leyte – Plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang mga mining operations sa bansa.
Sa talumpati nito sa 58th anniversary ng Maasin City, Southern Leyte, sinabi ni Duterte na napakalaki ng pinsalang idinudulot nito sa kalikasan.
Iginiit pa ng Pangulo, binubutas ng pagmimina ang mga kabundukan at nareresulta ng pagguho ng lupa.
Dahil din aniya sa pagmimina, ilang ilog at anyo ng tubig ay nagkakaroon ng siltation.
Una nang nagbabala ang Pangulo na ipatitigil nito ang open pit mining sa katapusan ng taon.
Facebook Comments