
Pinirmahan na ngayong Huwebes ng umaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Judiciary Fiscal Autonomy Act bilang isang ganap na batas.
Layon nitong palakasin ang hudikatura bilang isang malaya at kapantay na sangay ng gobyerno sa pamamagitan ng pagbibigay ng buong kapangyarihan sa pamamahala ng sariling pondo.
Sa talumpati ni Pangulong Marcos Jr., sinabi niyang sa ganitong paraan, mas mapapabilis at mas magiging epektibo ang paghahatid ng hustisya sa bansa.
Dumalo naman sa signing ceremony sa Malacañang si Chief Justice Alexander Gesmundo kasama ang ilang justices at mga kinatawan mula Korte Suprema, ilang miyembro ng gabinete, at mga senador at kongresista.
Facebook Comments









