
Nilagdaan na ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act No. 12231 o ang Government Optimization Act.
Layon nitong pagbutihin at gawing simple ang paghahatid ng serbisyo ng gobyerno sa publiko, at mabawasan ang mga redundancies o paulit-ulit na proseso sa operasyon.
Sa ilalim nito, pwedeng buwagin, ilipat o pagsamahin na ang operasyon ng ilang ahensya, tanggapan, o unit ng gobyerno na itinuturing na hindi na kailangan, at sumasapaw sa trabaho ng ibang tanggapan.
May kapangyarihan ding bumuo ng mga bagong ahensya, unit, o posisyon na kinakailangan para sa mas epektibong operasyon at performance para sa sangay ng Ehekutibo.
Pamumunuan ng executive secretary ang bubuuing Committee on Optimizing the Executive Branch na babalangkas ng mga batayan, istratehiya, at mekanismo para sa pagpapatupad ng Government Optimization Program.
Sa kabila nito, hindi saklaw ng batas ang mga teaching positions sa mga paaralan at unibersidad, mga sundalo at uniformed personnel.
Habang nakadepende na sa mga local government, Lehislatibo, Hudikatura Constitutional Commissions, at Office of the Ombudsman ang desisyon kung magpapatupad din sila ng ganito sa mga operasyon.









