Batas para sa conservation ng Gabaldon Schools, pinirmahan ni PRRD

Manila, Philippines – Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas para sa pangangalaga ng Gabaldon Schools sa buong bansa o Republic Act 11194.

Ito ay bahagi ng polisiya ng gobyerno na pangalagaan ang cultural heritage ng bansa.

Ang mga eskwelahan ay pinangalanan sa namayapang assemblyman na si Isauro Gabaldon ng Nueva Ecija na siyang may akda ng Act 180 para pondohan ang pagpapatayo ng 3,000 school buildings sa buong bansa mula 1907 hanggang 1946.


Sa ilalim ng batas, ang Department of Education (DepEd), National Commission for Culture and the Arts (NCCA), National Historical Commission of the Philippines (NHCP) at ang National Museum ang mga magiging pangunahing ahensya na magpapatupad ng mga programa para sa identification at conservation ng mga natitirang Gabaldon School buildings sa bansa.

Facebook Comments