Pormal nang nilagdaan ni Mayor Honey Lacuna-Pangan ang City Ordinance 9081 o ang dagdag na allowances sa mga senior citizen na residente ng Maynila.
Dahil dito, mula sa ₱500 kada buwan na allowance, dodoblehin na ito sa P1,000.
Magiging epektibo ang batas sa January 2025 kung saan sa unang tatlong buwan ay makukuha na ng mga lolo’t lola ang ₱3,000 na allowance.
Ayon kay Mayor Honey Lacuna-Pangan, agad silang gumawa ng hakbang para sa kapakanan ng mga senior citizen.
Aniya, naglaan sila ng pondo para sa dagdag na monthly allowances at hindi na rin poproblemahin pa ang mga gamot na kakailanganin ng mga senior citizen dahil libre na nila itong makukuha sa health centers.
Dagdag pa ni Mayor Honey, mas magiging maayos ang proseso sa distribution ng allowances ng senior upang lahat ay makatatanggap nito.