Isinulong ni House Committee on Labor Chairman at Rizal Representative Juan Fidel Nograles na magkaroon ng batas para bigyang-karapatan ang mga pasahero.
Nakapaloob ito sa inihain ni Nograles na House Bill 2064 o Magna Carta of Commuters na layuning maisaayos ang kapakanan at kaligtasan sa pagbiyahe ng mga pasahero.
Kabilang sa mga isinusulong ni Nograles na karapatan para sa mga mananakay ay ang:
– Pagkakaroon ng public transportation service para sa mabilis at maayos na pagbiyahe
– Ligtas at murang gastos sa biyahe
– Angkop na imprastraktura para sa pedestrian, siklista at mga may kapansanan
– Patas na public road space
– Makalanghap ng malinis na hangin habang bumibiyahe
– Karapatan sa sapat na impormasyon para sa episyenteng at maginhawang biyahe
– Espesyal na atensyon at kompensasyon sakaling sumulpot ang mga problema sa pampublikong transportasyon.