Manila, Philippines – Tiwala si Senator Bam Aquino na magdudulot ng malaking pagbabago sa sistema ng edukasyon kapag ipinatupad na ang bagong pasang batas na nagtatakda ng libreng tuition sa mga State Universities and Colleges o SUCs at Local Universities and Colleges o LUCs.
Paliwanag ni Senator Bam, ang universal access to tertiary education act o free tertiary education act ay magbibigay daan para mas maraming Pilipino ang makakuha ng dekalidad na edukasyon sa iba’t ibang institusyon sa bansa at makatapos ng kolehiyo.
Ayon kay Committee on Education Chairman Senator Chiz Escudero, palalakasin din ng nabanggit batas ang student loan programs kun saan ang mga estudyante sa pribado at pampublikong kolehiyo o unibersidad ay pwedeng mangutang para sa iba pa nilang gastusin tulad ng pambaayad sa boarding house o dormitoryo, pambili ng libro at iba pang requirements.
Sabi ni Escudero, sisimulan ang implimentasyon ng batas sa ikalawang semester ng school year 2017 – 2018.
At dahil batas na ay regular na aniya itong lalagyan ng pondo ng Malakanyang at dalawang kapulungan.
DZXL558