Batas Para Sa Mga Menor De Edad ng La Trinidad!

Baguio City, Philippines – Pang-apat na public hearning ang pinagpaplanuhan para sa isang proposed ordinance na may alintuntunin sa paggamit ng computer rental shops sa La Trinidad, Benguet.

Ayon kay Councilor Roderick Awingan, ang proposed ordinance na ito ay para sa mga menor de edad na patuloy ang paglalaro ng mga computer games na umaabot ng hating gabi, at ito ay nagdudulot sa computer addiction, na isa sa mga matagal ng problema ng munisipalidad.

Kinuha naman ang mga suhestiyon ng mga representative ng bawat barangay sa nakaraang pangatlong public hearing.


Nakaindika dito na magiging limitado ang oras ng mga minor de edad sa pagpunta sa mga computer shop na hanggang 4 p.m at 6:30 p.m lamang araw araw. Required din silang magpakita ng authorization letter mula sa kanilang mga magulang.

Kaya idol, maging responsable tayo sa paggamit ng computer.

Facebook Comments