Batas para sa paghihiwalay ng mga extension ng tatlong paaralan sa Zamboanga, nilagdaan ni PBBM

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang batas para paghiwalayin ang iba’t ibang extension ng paaralan para gawing independent institutions.

Sa bisa ng Republic Act No. 12057, inihiwalay ang Paulino Dari National High School (PDNHS) – Balong-balong Extension sa Pitogo, Zamboanga Del Sur at magiging ganap nang Balong-balong National High School.

Sa ilalim naman ng RA No. 12058 ang Bacungan National High School-Sipakong Extension sa Leon B. Postigo, Zamboanga Del Norte ay inihiwalay din para maging Sipakong National High School.


Habang sa Republic Act No. 12059, ang Lapuyan NHS-Sampang Extension sa Lapuyan, Zamboanga del Sur ay tatawagin nang Pampang National High School.

Alinsunod sa tatlong bagong batas, nakasaad na dapat i-absorb ng bagong mga paaralan ang mga personnel, asset, liability, at record mula sa lumang institusyon.

Huhugutin din ang inisyal na pondo ng mga ito sa dating institusyon habang ang mga susunod na pondo ay manggagaling sa taunang General Appropriations Act (GAA).

Facebook Comments