Batas para sa party-list system, ipina-aamyenda ng Comelec sa Kongreso

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Comelec Chairman Sheriff Abas na plano nilang idulog sa Kongreso na maamyendahan at ayusin ang batas sa partylist system.

Ito ay sa gitna ng usap-usapan na nagiging malaking biro na lamang ngayon ang pagsali sa partylist election.

Ayon kay Abas, hindi lingid sa kanilang kaalaman ang mga puna at batikos kaugnay sa sistema.


Pero sa ngayong aniya ay tali ang kanilang mga kamay sa pagsunod sa isinasaad ng batas hinggil rito.

Paliwanag ni Abas, limitado lang sa pag-accredit at proklamasyon ng mga nanalong grupo ang papel nila sa partylist system.

Facebook Comments