Manila, Philippines – Tiniyak ni Committee on Public Services Chairpeson Senator Grace Poe ang pagprayoridad sa panukalang batas para sa Transport Network Vehicle Services o TNVS.
Ayon kay Poe, bumuo na sya ng Technical Working Group o TWG na hijimay at tutugon sa mga usapin hinggil sa operasyon ng Uber, Grab, at mga katulad nito.
Ang pulong ng nabanggit na TWG ay nakatakdang isagawa bukas, ika-10 ng umaga.
Ayon kay Senator Poe, layunin ng panukala na maisaayos ang sistema ng TNVS para maiwasan ang nangyaring suspension ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa Uber.
Giit ni Senator Poe, nakapalahalaga ng pagkakaroon ng bagong teknolohiya a pagkakaloob sa mga pasahero ng mas ligtas at komportable byahe.
Sa harap aniya ito ng nagpapatuloy na mga kapalpakan sa operasyon ng mass transportation sa bansa tulad ng Metro Rail Transit o MRT.
Samantala, ikinatuwa naman ng Senadora na mayroon na uling kapangyarihang pumili ang publiko ng uri ng pampublikong transportasyon matapos mabayaran ng Uber ang aniyay napakalaki at nakalululang multang ipinataw rito ng LTFRB.