Batas sa 100% foreign ownership, tinawag na “game changer” ng isang kongresista

Tinawag ni House Deputy Speaker Bernadette Herrera na “game changer” ang pag-amyenda sa Public Service Act (PSA).

Ganito inilarawan ni Herrera ang batas dahil magbubukas ang ekonomiya sa mga dayuhang mamumuhunan.

Paliwanag ng kongresista, isa sa mga may-akda ng batas, ang amyenda sa PSA ang kailangan ngayong papunta ang bansa sa muling pagbangon.


Sa ilalim ng batas ay makapanghikayat ng maraming foreign investors na magiging daan para sa pagdami ng trabaho at pagpapalakas ng economic growth.

Nakasaad sa inamyendahang batas na ang telecommunications, air carriers, domestic shipping companies, railways at subways ay hindi na “classified” o hindi na itinuturing bilang public utilities.

Ang mga nabanggit na industriya ay bukas na sa 100% na dayuhang pamumuhunan at pagmamay-ari at magbubukas din sa mas kinakailangang kompetisyon sa pagitan ng mga negosyo.

Dahil dadami na ang bilang ng players na nag-aalok ng public services ay asahan din ang pagbaba sa airfares, pagbaba ng transportation at shipping costs gayundin ang abot-kaya at mas episyenteng internet services para sa consumers.

Facebook Comments