MANILA – Pina-rerebyu ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang batas sa bank secrecy at anti-money laundering.Ito ay kasunod ng lumabas na report mula sa International Consortium of Investigative Journalism (ICIJ) kaugnay ng “Panama papers”.Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, panahon na para tanggalin ang Bank Secrecy Law sa tax purposes para ma-monitor ng BIR ang mga tax payers.Isa rin itong paraan para masigurong magbabayad ang mga tax payers ng tamang buwis.Sa kasalukuyang batas ay may tinatawag na tax breaks sa mga mayayaman para makaiwas sa pagbabayad ng buwis.Dagdag niya, posible ring gamitin ng ahensya ang tinaguriang “Panama papers” para sa kanilang tax investigations.Nabatid na kabilang sina Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, tatlong anak na sina Ferdinand Richard Michael Manotoc, Fernando Martin “Borgy” Manotoc at Matthew Joseph Manotoc at Sen. Joseph Victor Ejercito sa Offshore Holdings na inilabas ng ICIJ.
Batas Sa Bank Secrecy At Anti-Money Laundering, Pina-Rerebyu Ng Bureau Of Internal Revenue (Bir) Kasunod Ng Paglabas Ng
Facebook Comments