Batas sa illegal recruitment, pinahihigpitan ng isang senador

Pinahihigpitan ni Senator Robin Padilla ang batas laban sa illegal recruitment at human trafficking.

Sa Senate Bill 2216 na inihain ni Padilla, inaamyendahan nito ang Labor Code of the Philippines at Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995.

Sa panukalang amyenda, mula sa kasalukuyang tatlong tao ay isasama na sa illegal recruitment ang krimen na ginawa ng dalawa o higit pang indibidwal na nagsabwatan para maisagawa ang krimen.


Oras na maging ganap na batas, inaasahang magiging daan ito sa ligtas at patas na pagre-recruit para sa proteksyon ng mga Filipino workers laban sa illegal recruitment.

Umaasa naman si Padilla na kapag naipasa ang panukalang batas ay makakatulong ito para mapalakas ang proteksyon sa mga manggagawa, maiwasan ang economic sabotage at maisulong ang economic development ng bansa.

Facebook Comments