Nauunawaan ni Partido Reporma Chairman at standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson ang kahalagahan ng pagsasabatas ng paggamit ng marijuana sa medisina kaya naman kung siya ang magiging susunod na pangulo ay susuportahan niya ang panukalang ito upang makatulong sa kalusugan ng mga Pilipino.
“Bukas ang aking isipan. Katunayan, supportive ako rito. Kung ito’y isasabatas, maganda na rin ito para makatulong sa kalusuguan ng ating mga mamamayan,” pahayag ni Lacson.
Gayunman, binigyang-diin ni Lacson na kailangang dumaan ito sa wastong proseso, lalo pa’t sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ay itinuturing na illegal substance ang marijuana.
“Basta medicinal, hindi ‘yung sa entertainment. At kailangan may proseso rito ‘pag ginawang medicinal. At sa ibang bansa naman ginagawa na nila ‘yan,” ayon sa presidential candidate.