Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat nang repasuhin ang batas na nangangailangan muna ng assessment sa pinsala sa isang lugar bago magdeklara ng State of Calamity.
Ito ay matapos ang kaniyang paghingi ng tawad kamakailan dahil sa hindi agad pagdedeklara ng state of calamity sa mga rehiyon na hinagupit ng Bagyong Odette.
Sa kaniyang Talk to the People kagabi, sinabi ng Pangulo na nahahadlangan nito ang pagtugon sana agad ng gobyerno para sa rehabilitasyon at relief efforts.
Disyembre 21 nang ideklara ng Pangulo ang state of calamity sa anim na rehiyon sa bansa partikular na ang
• Region 4B (MIMAROPA)
• Region 6 (Western Visayas)
• Region 7 (Central Visayas)
• Region 8 (Eastern Visayas)
• Region 10 (Northern Mindanao)
• At Region 13 (CARAGA Region)