Batasan Complex, isasailalim sa lockdown simula sa Biyernes

Isasailalim sa lockdown ang Batasan Complex simula sa Biyernes, July 24, 2020.

Ayon kay House Sgt-at-Arms Ret. PNP Deputy Director Gen. Ramon Apolinario, ito ay para bigyang panahon ang security forces at utility personnel na linisin at i-disinfect ang gusali partikular na sa Session Hall ng Kamara.

Sa aspeto naman ng seguridad, sinabi nito na ang Quezon City Police District at fire marshall ang nakatalaga sa pagbabantay sa labas ng Batasan Complex.


May isa namang gusali sa Kamara ang magsisilbing coordinating committee para sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Intelligence, Metro Manila Development Authority (MMDA) at security personnel ng Mababang Kapulungan.

Mayroong 500 security personnel at dagdag na 100 hanggang 150 na Presidential Security Group (PSG) ang magbabantay sa loob ng Kamara.

Nakipag-ugnayan na rin ang Kongreso sa mga kalapit na ospital sakali mang magkaroon ng emergency.

Facebook Comments