Magsasagawa ng paglilinis sa buong Batasan Complex bilang proactive measure sa pinangangambahang sakit na COVID-19.
Ayon kay House Secretary General Jose Luis Montales, prayoridad nila sa Kamara ang kaligtasan at kalusugan ng mga kawani ng mababang kapulungan.
Isasagawa bukas hanggang sa linggo ang paglilinis at disinfection sa buong Batasan premises.
Samantala, pinahupa rin nito ang pangamba ng mga empleyado tungkol sa mabilis na pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.
Aniya, nananatiling COVID-19 free ang Kamara.
Wala pa naman, aniyang, naitatalang empleyado o kawani na persons under investigation (PUI) o persons under monitoring (PUM).
Pero nitong linggo lamang, ilan sa mga cabinet secretaries ng pamahalaan ay nagtungo sa Kamara tulad ni Transportation Secretary Arthur Tugade na naka-mandatory self-quarantine ngayon matapos ma-expose sa isang nag-positibo sa COVID-19.
Maliban dito, nagself-quarantine na rin si Davao City Representative Isidro Ungab matapos na magtungo sa Senado at na-expose naman kay Senator Sherwin Gatchalian na na-expose naman sa isang resource person na positive sa COVID-19.