Batasang pambansa, all-set na para sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte mamaya

Manila, Philippines – Handang-Handa na ang Batasang Pambansa para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.

Ayon kay House Secretary General at task force SONA 2017 Chairman Atty. Cesar Pareja – inaasahang aabot sa 1,500 katao ang dadalo sa pagtitipon na kinabibilangan ng senador, kongresista at iba pang matataas na opisyal ng gobyerno.

Paalala ni Pareja – mahigpit na ipatutupad ‘No Invitation, No Entry’ at ‘No Carpass, No Entry’ policy.


Plantsado na ang lahat ng bagay na may kinalaman sa internal at external security and safety, protocol arrangement at reception media coverage maging ang parking.

Facebook Comments