
Bilang bahagi ng paghahanda sa ika-apat na State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa July 28 ay isasailalim na sa lockdown ang buong Batasang Pambansa Complex, simula sa susunod na Miyerkules, July 23.
Base sa abiso ng Kamara, habang ipinapatupad ang lockdown ay ang mga “essential personnel” lamang ang papayagan na makapasok sa Batasang Pambansa Complex.
Sa Lunes naman, July 21 ay magsasagawa ng ocular inspection sa lugar at magpupulong muli ang inter-agency body na syang nangunguna sa preparasyon para sa nalalapit na SONA ni PBBM.
Una ring tiniyak ng inter-agency body na nakahanda na ang lahat para sa anumang posibleng scenario sa SONA.
Facebook Comments









