Manila, Philippines – Inilunsad na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang Philippine Earthquake Model Atlas upang mas mapahusay pa ng husto ang pagtugon ng epekto ng lindol.
Ito ay isang Handbook ng “Probabilistic Seismic Hazard Maps” na maaaring makatulong sa mga inhinyero sa paggawa ng disenyo ng mga gusali at istraktura na kayang sabayan ang lakas ng lindol.
Maaari rin itong gamitin bilang isang kasangkapan para sa Land Use and Urban Planning gayundin sa pagpaplano hinggil sa Disaster Risk Management ng Local Government Units, Government Agencies, at iba pang Stakeholders
Ayon pa sa PHIVOLCS, ang PEM Atlas ay naglalayong itaguyod at mapahusay ang kasalukuyang National Structural Code of the Philippines , isang Referral Code ng National Building Code.
Dagdag pa nito, magsisilbi itong batayan para sa pagdisenyo ng mga Earthquake Resilient Structures tulad ng Residential at Commercial Buildings, mga kritikal na pasilidad tulad ng Dams, Tulay, at mga Hospital, at Hazardous Installations tulad ng Nuclear, Biological, at Chemical Facilities.
Ang PEM Atlas ay naglalaman ng Peak Ground Acceleration Maps at Spectral Acceleration Maps, na binuo mula sa Probabilistic Seismic Hazard Analysis sa pamamagitan ng mga pagsisikap at expertise ng mga Seismologist, Geologist, Engineers, at mga mananaliksik mula sa PHIVOLCS.