BATAYAN | PNP Chief Ronald dela Rosa, inilahad ang dahilan kung bakit pinalawig ang kanyang termino

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Philippine National Police Chief Ronald dela Rosa na tatlong rason ang pinagbatayan ni Pangulong Rodrigo Duterte para palawigin pa ang kaniyang termino.

Ayon kay dela Rosa, ito ay ang paglaban pa ng PNP sa iligal na droga, terorismo at pagsugpo sa karahasan ng New People’s Army.

Aniya, sa pagkakataong ito mas itutuon ng PNP ang kanilang atensyon sa Mindanao kung saan umiiral pa rin ang batas militar.


Gayunman, hindi tinukoy ni dela Rosa kung paano sosolusyunan ang tatlong problemang kanyang kakaharapin sa pananatili niya sa PNP.

Giit pa ni dela Rosa, ilalantad niya sa tamang panahon ang mga ito kapag nagawa na niya ang trabahong iniutos ng pangulo.

Si dela Rosa ay magre-retiro sana sa serbisyo sa January 21 sa susunod na taon pero pinalawig ito ng tatlong buwan ng pangulo.

Facebook Comments