BATI NA | JM De Guzman at Barbie Imperial, nagka-ayos na

Matapos kumalat sa social media ang balitang nagkaroon ng tampuhan noong nakaraang buwan, tila unti-unti nang nagkakaayos ang onscreen partner na sina Barbie Imperial at JM De Guzman.

Ito ay matapos na mag-post si Barbie ng kanilang litrato sa Instagram kung saan yakap siya ni JM.

Marami sa mga netizens at kapwa artista ang natuwa at kinilig sa kanilang picture at ang iba sa kanila ay nag-post din ng mga positive comments.


Dagdag pa ng ilang fans, isa lang daw itong patunay na kayang resolbahin ang problema basta idinadaan sa mabuting pag-uusap.

Matatandaan na nagtampo di umano si Barbie nang makapareha ni JM si Rhian Ramos sa isang pelikula kung saan naka-ayos naman sila pero hindi nagpapansinan.

Facebook Comments