Batikang brodkaster na si Jose “Joe” Taruc, pumanaw na

Manila, Philippines – Sumakabilang buhay na ang batikang brodkaster na si Jose “Joe” Taruc kahapon ng umaga.

Ito ang kinumpirma ng pamilya Taruc sa isang twitter post ng anak na si Jay Taruc kung saan humihingi ang mga ito ng pribadong lamay para sa kanilang padre de pamilya.

Si Jose Magalpo Taruc Jr. ay naging batikan na sa industriya sa halos limang dekada na nitong pagbabalita.


Naulila ni Taruc ang kanyang may bahay na si Lita, apat na anak kabilang ang brodkaster din na si Jay at mga apo.

Wala pang inilalabas na detalye ang kanyang pamilya kaugnay sa magiging funeral service ng brodkaster.

Facebook Comments