Inihayag ng batikang election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal na hindi maaaring pigilan na tumakbo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka-bise presidente sa 2022 presidential elections.
Paliwanag ni Macalintal, hindi ipinagbabawal sa konstitusyon ang pagtakbo ng isang pangulo sa pangalawang pinakamataas na posisyon sa bansa matapos ang kanyang termino.
Pero giit nito, kahit legal ito ay magiging kwestyonable naman ang kanyang moral kung saan nararapat ba na gawin ito ng isang pangulo?
Para kay Macalital, ito ang dapat na suriiing mabuti ng taongbayan sa pagdedesisyon kung sino ang mga iboboto sa 2022 presidential Election.
Facebook Comments