Batikang manunulat na si Ricky Lee, ikinatuwa ang pagkakasama bilang National Artist

Masayang-masaya at malaking karangalan sa isang batikang manunulat na si Ricardo “Ricky” Lee ang mapasama siya bilang ‘National Artist’ ngayong taon partikular sa larangan ng Film at Broadcast.

Sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni Lee na lubos siyang natutuwa dahil sa pagkakataon na ito ay nakapagbigay tayo ng mensahe na mahalaga ring bahagi sa paggawa ng pelikula ang mga scriptwriter.

Aniya, pinapakita rin sa natanggap niyang award na hindi lang ang mga direktor ang gumagawa ng isang pelikula, kundi parte rin ang mga writer.


Binigyang-diin naman ni Lee na tanggap at karangalan sa kaniya bilang manunulat kung itinanghal din siya bilang ‘National Artist for Literature’.

Kabilang din sa mga itinanghal na ‘National Artist’ ay batikang aktres na si Nora Aunor; namayapang direktor na si Marilou Diaz-Abaya; literary critic Gemino Abad; Soprano Fides Cuyugan-Asensio; late fashion designer Salvacion Lim “Slim” Higgins at Tony Mabesa.

Facebook Comments