Batikos ng New York Times kay Pangulong Duterte, kinatigan ni Senator Trillanes

199

Manila, Philippines – ‘Pick your poison.’

Ito ang mensahe ni Senator Antonio Trillanes IV kay Pangulong Rodrigo Duterte makaraang batikusin muli ito sa editorial ng New York Times.


Sabi ni Trillanes, tama ang sinasabi ng New York Times na sapat ang ebidensya para sa kasong isinampa sa International Criminal Court o ICC laban kay Pangulong Duterte.

Diin ni Trillanes, malinaw na nagdeklara si Pangulong Duterte ng polisiya ng pagpatay kung saan libu-libong Pilipino na ang naging biktima.

Hindi aniya gumawa na anumang hakbang si Presidente Duterte para mapahinto ang serye ng patayan sa bansa at sa halip ay pinahintulutan pa niya ito na magpatuloy.

Giit ni Trillanes, tama lang na kumilos na ang ICC dahil hindi na kayang usigin ng mga local na korte si Pangulong Duterte na protektado ng immunity.



Sigurado rin, ayon kay Trillanes, na hindi palulusutin ng kanyang mga kaalyado ang impeachment case laban kay Duterte na inihainni Magdalo Representative Gary Alejano.


Facebook Comments