Batikos ni US President Donald Trump, dinedma lang ni London Mayor Sadiq Khan

Hindi pinansn ni London Mayor Sadiq Khan ang batikos ni US President Donald Trump hinggil sa naganap na terrorist attack sa London Bridge at Borough Market na ikinasawi ng pitong katao at ikinasugat ng 48 iba pa.

Matapos kasi ang insidente ay inakusahan ni Trump si Khan na minamaliit lamang nito ang atake at sinabing walang rason na sila ay maalarma.

Ayon kay Khan, mas maraming bagay pa ang dapat na unahin kaysa sagutin ang pahayag ni Trump.


Malaki rin ang paniwala nito na ang na-misinterpret lamang ng US President ang pahayag nito.
DZXL558

Facebook Comments