Manila, Philippines – Nagpaliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko sa harap narin ng batikos ng netizens kaugnay sa hindi umano pagbibigay ng respeto ng grupo ni Pangulong Duterte nang magpunta ito sa Grand Mosque sa Marawi City nitong nakaraang araw.
Binabatikos kasi ang hindi pagtatanggal ng sapatos ng pangulo ang mga kasama nito at ang hindi pagtatakip ng ulo ng mga kasamang babae kung saan partikular na nabatikos ay si Communications Assistant Secretary Mocha Uson.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi talaga sila makapagtatanggal ng sapatos sa Mosque dahil puno ng bubog ang kanilang lalakaran na resulta rin ng matagal na bakbakan at naging kuta pa ito ng mga terorista.
Binigyang diin pa ng Pangulo na alam niya ang kultura ng Islam at iginagalang niya ito.
Kung mayroon din aniyang dapat sisihin ay ang Maute terror group.
Matatandaan na noong Lunes ay nagpunta ang Pangulo sa Marawi City sa ika 4 na pagkakataon kung saan nagbigay ito ng katiyakan sa mga sundalo at pulis na ibibigay ang kanyang buong suporta sa mga ito.
Batikos sa grupo ni Pangulong Duterte sa pagpasok sa Grand Mosque sa Marawi City, dinipensahan ng pangulo
Facebook Comments