Batikos sa malaking utang ng administrasyon, pinalagan ng isang lider ng Kamara

Hindi pinalampas ni House Assistant Majority Leader at Zambales Representative Jay Khonghun ang pagbatikos ni dating Agriculture Secretary Manny Piñol sa administrasyong Marcos dahil umabot na sa ₱16.63 trilyon ang utang ng bansa.

Giit ni Khonghun kay Piñol sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Duterte lumobo ang utang ng bansa na nadagdagan ng ₱7.2 trillion sa loob ng anim na taon nitong termino.

Kaya para kay Khonghun, napakatinding kaipokritohan ang pagtatangka ni Piñol na baluktutin ang katotothanan at paggamit sa isyu para makabalik ito sa politika.

Diin ni khonghun, minana lang ng administrasyong Marcos ang isang mahirap na kalagayang pinansyal dahil sa mga utang na iniwan sa panahon ni Duterte.

Facebook Comments