Humingi ng paumanhin si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa naging pahayag noon sa pagkamatay ng tatlong taong gulang sa programa ng administrasyon na war on drugs.
Naitala na ang pinakabatang biktima ng buy bust operation ay tatlong taong gulang lamang. Maraming nadismaya sa kaniyang naging pahayag pati ang mga nakaupong senador.
Sa kaniyang panayam sa ANC, sinabi niyang “wrong choice of words” ang kaniyang remark na “Sh*t happens.” Umani ito ng matinding batikos mula sa mga netizen.
” I apologize to the family for the comment na nasabi ko. Mali pala ‘yun. Dapat sa pang police-police na community lang ‘yun na words, hindi for the general public dahil nga prone to be, mabigyan ng di magandang meaning,” ani Bato.
“Pasensya na po sa pamilya. Wala man may gusto na meron talagang mamamatay, masama man lalo na ‘yung inosenteng tao, inosenteng bata, 3 years old. Napakasakit ‘yun pag namatayan ka ng anak na ganun. Hindi talaga katanggap-tanggap na sitwasyon ‘yun,” dagdag niya.
Panoorin ang kabuuan ng video: