Bato dela Rosa sa mga kritiko: ‘Bitter lang kayo’

Courtesy from Ronald "Bato" Dela Rosa facebook page @OFFICIALPAGEofRonaldBatoDelaRosa

Sa press conference matapos ang proklamasyon ng mga nanalo sa midterm elections, Miyerkules sa Philippine International Convention Center (PICC), nag-mensahe si Senator-elect Ronald “Bato” dela Rosa sa mga kritiko nito.

“Bitter lang kayo kasi ‘yung mga gusto niyong senator natalo,” ani Bato.

Hinamon din ng dating Philippine National Police (PNP) chief ang mga kritiko na kumuha ng IQ exam.


“Kung sino ‘yung nagcha-challenge na bobo ako, sabay tayong mag-take ng !Q exam,” dagdag niya.

Si dela Rosa na dating chief enforcer ng War on Drugs ng administrasyon ay nakakuha ng 19 million votes sa midterm elections.

Facebook Comments