Bato, walang karapatang kwestyunin ang hindi pagsipot ng ehekutibo sa Senado dahil hindi rin sumipot sa unang hearing —Malacañang

Bumwelta ang Malacañang sa ginawang pagkwestyon ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa hindi pagsipot ng mga opisyal ng gabinete sa pagdinig ng Senado ngayong araw tungkol sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, walang karapatan si Sen. Dela Rosa na kuwestyunin ang hindi pagdalo ng mga gabinete dahil siya mismo ay hindi naman humarap sa unang hearing noong March 20.

Kung matatandaan aniya, present sa unang pagdinig ang mga gabinete at anim na oras na nagsasalita.


May pagkakataon sana ang senador na magtanong kung humarap lang din siya sa unang pagdinig.

Pinayuhan ni Castro si Dela Rosa na basahin ang mga desisyon ng Korte Suprema para maliwanagan sa kapangyarihan ng pangulo at iba pang matataas na opisyal na igiit ang kanilang “executive privilege” lalo kung ito ay may kinalaman sa mga proseso, presidential communication, at state security.

Hamon naman ni Castro sa senador na humarap din siya sa pagdinig kung itutuloy niya ang bantang pagpapa-subpoena sa mga opisyal na hindi dumalo sa hearing ngayong araw.

Facebook Comments