Battle cannon replica na magsisilbing pisikal na pananda sa laban sa paglilinis ng Manila Bay, ipatatayo ng DENR at DND sa Manila Baywalk

Sa hangaring makapag-iwan ng pisikal na pananda sa mga nakamit na tagumpay sa “Battle for Manila Bay” rehabilitation program, nagkasundo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ang Department of National Defense (DND) ang pagpapatayo cannon replica sa bahagi ng Roxas Boulevard Baywalk sa lungsod ng Maynila.

Ang cannon replica ay may sukat na 19.04 cubic meters, habang ang original barrel nito ay nasa 37 feet at may timbang na sampung tonelada.

Partikular na ipupwesto ito sa may 251.1-cubic meter concrete platform sa bahagi ng Remedios area.


Target ng DENR at DND na makumpleto ang cannon replica sa April 9, 2022 kasabay ng selebrasyon Araw ng Kagitingan.

Nais ng DENR na katulad ng “heavily fortified” Fort Drum cannon na nagsilbing line of defense ng Maynila noong naval invasion ng Espanya, magsisilbi ring paala-ala ang proyekto sa rehabilitation program na nagproteka historical bay laban sa polusyon at pagkasira.

Facebook Comments