BAWAL ANG KORAP! | 4 na matataas na opisyal ng NFA, kumasa sa lifestyle check

Manila, Philippines – Apat na mataas na opisyal ng National Food Authority (NFA) ang boluntaryo na ipabusisi ang kanilang taglay na yaman sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, kumasa sa lifestyle check sina Administrator Tomas Escarez, Assistant Administrator Mercy Yacapin at dalawa pang NFA Directors.

Ayon kay Piñol, handa sila masibak sa puwesto sa sandaling mapatunayan na nagpayaman sila sa nararanasan na krisis sa bihas sa bansa.


Nauna nang iginiit ni Piñol na isailalim sa lifestyle check upang pasinungalingan ang mga alegasyon na kumita siya ng malaki sa NFA Rice importation tatlong buwan matapos siyang maitalaga bilang tagapamuno ng NFA Council.

Naniniwala ang DA chief na isa itong demolition job na pinopondohan ng rice cartel na nasagasaan ng mga ipinatupad niyang sistema para mapigil ang pagsasamantala sa presyo ng bigas sa mga pamilihan.

Facebook Comments