Aklan – Nagbabala ang Department of Tourism (DOT) na muli nilang ipapasara ang mga establisyimento sa Isla ng Boracay na patuloy na pasaway.
Ito ay kasunod ng mga report na natanggap ng DOT na may ilang establisyimento ang nagpapatugtog ng malakas at kawalan ng sound isolation system.
Maliban rito, nakatanggap rin ng report ang DOT na may mga vendor ang nag-iikot sa beach front, mayroon ring ang patuloy na gumagawa ng sand castle, may mga naninigarilyo at may nakitaan ng baril.
Ayon sa Metro Boracay Task Force, magsisimula silang magpataw ng multa kapag mayroon na silang citation tickets.
Samantala, simula sa Sabado, Nobyembre maaari na muling mag sports activities sa Boracay gaya ng paraw sailing, stand up paddle at kite surfing.
Habang sa Nobyembre 7 ay maari na ang diving, fly fish, parasailing, banana boat at jet ski.