BAWAL ANG PASAWAY | NCRPO, tiniyak na aarestuhin ang mga pulis maging ang mga empleyado ng gobyerno na maglalaro sa mga casino

Manila, Philippines – Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na aarestuhin nila ang mga empleyado ng gobyerno at mga pulis na makikitang nagsusugal sa mga casino.

Ito ay kasabay ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng zero tolerance.

Ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde, nakikipag-ugnayan na sila sa mga blue guard officials sa mga casino para bantayan ang higit-kumulang sampung police officers at mga kawani ng gobyerno.


Pinaalala naman ng Philippine National Police (PNP) ang mga empleyado ng gobyerno ukol sa isang memorandum circular na nagbabawal sa kanilang pumasok, manatili at paglalaro sa mga casino.

Facebook Comments