BAWAL ANG PLASTIK | Panukalang ipagbawal ang paggamit ng mga straw at stirrer na gawa sa plastik, inihain sa Senado

Manila, Philippines – Inihain ni Senadora Risa Hontiveros ang Senate Bill 1866 na layong ipagbawal ang plastic straw at stirrer ng mga inumin sa mga restaurant at iba pang establisments.

Ayon kay Hontiveros, may exemption kung may kapansanan ang nangangailangan nito.

Sa ilalim ng panukala, pagmumultahin ng hanggang 150,000 pesos at masususpinde ng isang taon ang permit ng mga lalabag dito.


Lumalabas sa mga pagsusuri na pangatlo ang Pilipinas sa bansang pinagmumulan ng pinakamaraming plastic waste sa karagatan.

Facebook Comments