Manila, Philippines – Sa pagsisimula pa lamang ng implementasyon ng driver-only ban sa EDSA, naniniwala si Ifugao Representative Teddy Baguilat na hindi ito magtatagumpay.
Ayon kay Baguilat, ang single o driver-only ban sa EDSA ay walang pinagkaiba sa mga polisiya ng gobyerno na flexible working hours, carpool lanes at strict bus lanes na hindi rin nagtagumpay dahil sa malalang sitwasyon ng trapiko.
Ang kailangan aniya ay drastic solution para sa agarang pagluwag ng trapiko sa EDSA.
Hindi naman pabor ang mambabatas na ipa-recall sa MMDA ang bago nitong polisiya tuwing rush hour.
Sa halip naman anya na ipa-recall ang driver only policy ang dapat gawin ng Kongreso ay mag-focus sa kanilang oversight at budgetary functions.
Kailangan anyang hingin sa pamahalaan ang master plan para sa pagsasa-ayos ng mass transport system at ibigay ang kinakailangang pondo para rito.