Manila, Philippines – Umabot sa 2,715 na motorista ang nasita ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ikalawang araw ng dry run ng high-Occupancy Vehicle (HOV) o pagbabawal sa mga sasakyan na driver lang ang sakay sa tuwing rush hour sa EDSA.
Dahil dito, inabisuhan ni MMDA General Manager Jojo Garcia ang mga commuter na mag-carpool kasama ang mga kaanak o kaibigan para maiwasang mahuli.
Matatandaang mahigit 3,000 motorista ang nailistang lumabag sa HOV scheme sa unang araw ng dry run nito.
Target na ituloy ang implementasyon ng HOV simula sa August 23, araw ng Huwebes.
Sa ilalim ng naturang polisiya, ipagbabawal ang ‘driver-only’ sa EDSA simula 7:00 hanggang 10:00 ng umaga at 6:00 hanggang 9:00 ng gabi.
Facebook Comments