Bawal Angkas sa Cotabato City, pero Misis, Frontliners Exempted!

Kasabay ng patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng Covid 19 sa buong bansa at kahit pa man nasa Modefied General Community Quarantine na ang Cotabato City, kabilang sa inilabas na guidelines mula sa Executive Order #350 ang pagbabawal ng Angkas sa mga motorsiklo.

Kabilang sa mariing pinagbabawalan ang Habal-Habal, ngunit nilinaw ngayong umaga ni Dr. Danda Juanday, Admin ng City LGU sa panayam ng DXMY, na pinapayagan pa rin naman ang pag-angkas ng mag -asawa lalo na ng mga frontliner.

Layun pa rin nito ay maisiguro ang kaligtasan ng bawat isa Cotabato City, giit pa ni Admin Juanday.


Bukod sa No Back Riding sa mga motor, pinaalalahan pa rin ng City LGU sa mga sakay ng SUV na ipairal pa rin ang Physical Distancing.
Patuloy namang ipapatupad ang odd –even scheme sa syudad sa mga Private Vehicles . Babyahe ang ending ng Odd Numbers (1,3,5,7,9) MWF habang TTHS ang Even (2,4,6,8,0) habang exempted sa number coding ang mga motorsiklo at mga public transport mula 7am hanggang 6pm.

CITY PNP Pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments