BAWAL BASTOS ORDINANCE, PASADO NA NG SANGGUNIANG BAYAN NG BAYAMBANG

BAYAMBANG, PANGASINAN – Pasado na ng Sangguniang Bayan ng Bayambang ang ‘Bawal Bastos Ordinance’ kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang mga gender-based sexual harassment sa mga kalsada, pampublikong lugar, social media, trabaho, paaralan at training institutions sa bayan ng Bayambang.

Batay sa Municipal Ordinance No. 18 Series of 2021 ay may kaakibat umano na parusa ang sinumang lalabag sa naturang ordinansa at ang sinumang mapatunayan na lalabag dito.

Kabilang sa mga nakapaloob na bawal sa ordinansa ay ang catcalling; wolf whistling o paninipol; sexist, homophobic, and transphobic remarks o ang pagtawag ng bakla, tomboy at iba pang masasakit na salita; unwanted sexual advances (rape) at iba pang sexual harassment o pamboboso, panghihipo at iba pa.

Layon umano nito na magkaroon ng physical spaces at kalayaan sa pamamagitan ng ipinasang ordinansa. | ifmnews

Facebook Comments