BAWAL | CSC, nagpaalala sa empleyado ng pamahalaan na huwag tumanggap ng regalo ngayong Pasko

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Civil Service Commission (CSC) sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno na iwasang tumanggap o mag-solicit ng anumang regalo o pera ngayong holiday celebration.

Base sa Republic Act no. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standard for Public Officials and Employees, ipinagbabawal nito ang pagtanggap ng regalo, pabor, loans o monetary value.

Ayon kay CSC Chairperson Alicia Dela Rosa-Bala, tungkulin ng lahat ng government employees at officials ang magsilbi sa publiko at maihatid sa mga ito ang magandang serbisyo na walang hinihinging kapalit.


Ang sinuman aniya na lumabag dito ay mapaparusahan ng dismissal sa serbisyo.

Pinaalahanan din ng CSC ang mga ahensya ng pamahalaan sa buong bansa na patuloy na magbigay ng serbisyo sa gitna ng ilang Christmas at year-end activities.

Facebook Comments