Kasabay ng pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan ngayong araw para sa school year 2018-2019, muling nagpaalala ang Department of Education hinggil sa pagpapatupad ng no collection policy o pagbabawal na mangolekta ng bayarin sa mga estudyante.
Ayon sa DepEd, maaaring may humabol pa na mga magulang na i-enroll ang kanilang mga anak kung kaya’t ipinaalala ng ahensya ang kanilang kautusan.
Sa ilalim kasi ng DepEd order number 41 series of 2012, bawal ang mangolekta sa mga estudyante mula kindergarten hanggang grade 5 sa buong school year.
Habang June hanggang July naman ay epektibo ang no collection policy para sa mga grade 5 hanggang grade 10.
Maaari lamang mangolekta ang mga paaralan sa Agosto, basta’t ito ay boluntaryo at hindi compulsary o sapilitan.
Kabilang sa mga bayaring pinapayagan ng DepEd ay ang membership fee para sa boy at girl scout of the Philippines, anti tuberculosis fund drive, parent teachers association dues at school publication fee.
BAWAL! | DEPED MULING NAGPAALALA SA PAGKOLEKTA NG BAYARIN SA MGA ESTUDYANTE
Facebook Comments